Sigurista akong tao. Lahat ng gusto kong gawin gusto ko matutunan ng maayos; gusto ko magexcel sa lahat ng bagay na pinapasukan ko. At ang resulta nito ay ang lagi kong pagpupuyat.
Isa pa, ayoko ng mga kahit anung shortcuts. Isa akong taong "back to basics." Naniniwala akong dapat naiintindihan muna natin ang mga basics bago mag-advance sa kahit anung bagay. Samakatuwid, masasabi kong slow-learner ako. Pero pag natutunan ko, siguradong alam ko.
Pangatlo, ewan ko ba kung bakit ang dami kong hilig. Lahat na yata ng sports gusto ko matutunan. Minsan eto ang humahadlang sakin magconcentrate sa isang bagay. Kumbaga, ako ay isang taong "jack of all trades."
At ang huli, isa akong sentimental na tao. Sensitive ako sa mga nararamdaman ng ibang tao. Kaya siguro tahimik ako.